Wednesday, August 23, 2006

7 tips not to fall asleep when all the coffee is gone

There are times talaga na wala ng coffee, wala ng time para mag coffee break ... or worse wala ng coffee break!

So here are some tips to get rid of that drowsy feeling..

  1. may mga coffee candy naman, or any candy in particular. wag nga lang na ubusin mo ung isang pack tapos ikalat ung mga wrappers sa work station mo.


  2. pag nakakaramdam ng konting antok, tumayo, mag inat inat at i-umpog ang ulo sa pader... sarap pare, ngayon di ka na aantukin, mahihilo ka na.


  3. kung may madaldal kang katrabaho, makipag chikahan rito. yung tipong ang pinag uusapan nyo ay tungkol sa love life, sex, o kaya ung isa nyo pang katrabahong lalaki nahuli nyong kumakanta habang nag ccr.


  4. mag petiks, magbasa ng online comics, magbasa ng personal emails, magbasa ng showbiz news, manood ng mtv, maglaro ng flash game, mag chat/forum o manood ng porn. Basta gawin nyo ung magandang trips. Wag lang kayo papahuli.


  5. gawin ang kabaliktaran ng nasabing huli. Magpahuli kayo. eto para lang sa mga malakas ang loob. Pag inaantok kayo, magpahuli kayong may ginagawang ka ek-ekan, tingnan lang natin kung di ka magising kung sakaling pagbuhusan ka ng init ng ulo ng boss mo.


  6. Uminom ng malamig na tubig. Pag kulang pa ito, mag wisik wisik sa mukha nung malamig na tubig. kung kulang parin ipanhilamos na ang malamig na tubig. kung kulang parin, ipanligo na ung malamig na tubig, kung kulang parin, ihampas mo na ung baso sa ulo mo, tsong anu ba namang kaantukan yan! itulog mo na yan!


  7. Langhapin ang mga amoy sa paligid. Pwedeng fresh air yan tapos inat inat... malas mo lang kung ang hanging pumapaligid sayo ay ang amoy ng hininga ng katrabaho mong kumain ng bagoong at hindi nagtoothbrush, o kaya ung tiger balm na ginagawa na atang pabango ng kasamahan mo o kaya ung zonrox ng bagong linis na banyo (oi ok na ung bagong linis, wag lang ung may bagong .... alam mo na).

sa ngayon ito pa lang naiisip ko e. inaantok na kasi talaga ako... I need coffee....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home