Thursday, July 27, 2006

Pasaway List 101 (sa Trabaho)... Ang Kadugtong ^_^

Oh well mga kapatid na pasaway eto na po ang inyong iniintay ang kadugtong ng ating
PASAWAY LIST 101 (sa Trabaho).....

35. wag i-flush ang toilet at iwang bukas ang pinto ng cr. Wagi! (mas wagi kung hindi ka umihi at naatim mong hindi i-flush ang toilet!)
36. umihi sa sahig ng CR yung tipong alam na ikaw yung umihi dun.
37. itapon ang tissue sa toilet (mas maganda napkin!)
38. ubusin ang supply ng tissue sa cr
39. iwang nakabukas ang gripo sa cr
40. umabsent ngayon dahil … umabsent bukas dahil … umabsent sa susunod na araw dahil…
41. gumawa ng kanta tungkol sa sweldo mo
42. i-usog ng i-sog ang cpu hanggang sa malapit na mahulog
43. magpakatisod sa mga wires para mamatay ang pc ng ka-trabaho mo. (mas maganda, tyempuhan mong wala pa siyang na-s-save)
44. pagbaliktarin ang connection ng keyboard at mouse
45. iwang naka-on at maximum volume ung speaker mo pag-alis mo para pagka-on ng kapalitan mo… asteeeeg
46. wag ayusin ang pag file ng DTR
47. kalimutan magfile ng sick leave
48. mag-iwan ng mga candy wrapper sa station
49. magdikit ng chewing gum sa station
50. kalimutan patayin ang pc pagka-alis
51. takasan ang supervisor pag hinahanap ka
52. makipagkwentuhan sa opismate na parang kinukwento mo na rin sa lahat ng opismates mo (ganun kalakas)
53. gawing personal email ang office email address mo
54. mag-iwan ng bulok na pagkain sa ref (siguraduhing hindi ma-ttrace sayo)
55. sulatan ang lamesa
56. mag-sideline habang nasa trabaho (pag nagawa mo yun, isa kang alamat!)
57. tumambay sa lobby o sa pantry kahit time na
58. mag youtube kapag wala ang bossing
59. hilain ang LAN cord ng nasa likod mo
60. magpanggap na busy-busihan yun pala petiks lang


Ooops uli... stop muna uli dito.
Abangan ang susunod na kabanata....

()__()
(='.'=)
(")--(")

3 Comments:

At 7/27/2006 6:28 AM, Blogger gUrLaLiEn said...

sana lagyan ng tag board... lord sana po lagyan ng tag board to.. plis... parang awa mo na... AMEN

 
At 8/01/2006 7:09 AM, Anonymous Anonymous said...

mga naexperience ko as manager:

- gumawa ng job application letter sa office pc na nag-a-apply sa ibang kumpanya
- magpaskil sa cubicle ng hotline sa DOLE
- magpaskil sa desk ng bandila ng CPP/NPA
- patagong gamitin ang remote para buksan-sara ang CD drive sa PC ng baguhang empleyado; hanggang tumawag siya ng technician para ayusin yung PC
- maya't maya tumawag sa PC technician for help, dahil 'cute' yung technician
- sa technician naman, burahin yung network login account ng makulit na tawag ng tawag
- i-access at ipagkalat sa office yung medyo x-rated emails ng dalawang nagkakaigihan na officemates
- hiramin yung bagong "Da Vinci Code" na libro ng boss, at ibalik na luray-luray (pasalamat na lang siya at binalik pa)

yung lang!

 
At 8/02/2006 2:44 AM, Anonymous Anonymous said...

tata juan the best ka.
salamat sa contribution...
Gud luck sa noypi.org
()__()
(='.'=)
(")_(")

 

Post a Comment

<< Home