Wednesday, August 23, 2006

7 tips not to fall asleep when all the coffee is gone

There are times talaga na wala ng coffee, wala ng time para mag coffee break ... or worse wala ng coffee break!

So here are some tips to get rid of that drowsy feeling..

  1. may mga coffee candy naman, or any candy in particular. wag nga lang na ubusin mo ung isang pack tapos ikalat ung mga wrappers sa work station mo.


  2. pag nakakaramdam ng konting antok, tumayo, mag inat inat at i-umpog ang ulo sa pader... sarap pare, ngayon di ka na aantukin, mahihilo ka na.


  3. kung may madaldal kang katrabaho, makipag chikahan rito. yung tipong ang pinag uusapan nyo ay tungkol sa love life, sex, o kaya ung isa nyo pang katrabahong lalaki nahuli nyong kumakanta habang nag ccr.


  4. mag petiks, magbasa ng online comics, magbasa ng personal emails, magbasa ng showbiz news, manood ng mtv, maglaro ng flash game, mag chat/forum o manood ng porn. Basta gawin nyo ung magandang trips. Wag lang kayo papahuli.


  5. gawin ang kabaliktaran ng nasabing huli. Magpahuli kayo. eto para lang sa mga malakas ang loob. Pag inaantok kayo, magpahuli kayong may ginagawang ka ek-ekan, tingnan lang natin kung di ka magising kung sakaling pagbuhusan ka ng init ng ulo ng boss mo.


  6. Uminom ng malamig na tubig. Pag kulang pa ito, mag wisik wisik sa mukha nung malamig na tubig. kung kulang parin ipanhilamos na ang malamig na tubig. kung kulang parin, ipanligo na ung malamig na tubig, kung kulang parin, ihampas mo na ung baso sa ulo mo, tsong anu ba namang kaantukan yan! itulog mo na yan!


  7. Langhapin ang mga amoy sa paligid. Pwedeng fresh air yan tapos inat inat... malas mo lang kung ang hanging pumapaligid sayo ay ang amoy ng hininga ng katrabaho mong kumain ng bagoong at hindi nagtoothbrush, o kaya ung tiger balm na ginagawa na atang pabango ng kasamahan mo o kaya ung zonrox ng bagong linis na banyo (oi ok na ung bagong linis, wag lang ung may bagong .... alam mo na).

sa ngayon ito pa lang naiisip ko e. inaantok na kasi talaga ako... I need coffee....

Wednesday, August 02, 2006

Warning!

Due to insistent public demand, dadagdagan pa namin ang 101 pasaway list sa trabaho... abangan nyo ha!

Pasaway List 101 (sa Trabaho)... Ang Katapusan ^_^

Eto na ang ating pinakaiintay ang last part ng ating makasaysayang
Pasaway List 101 (sa Trabaho)....

61. magblog ng magblog… kung developer ka, kunyari nag-ccode, kung designer ka, kunyari gumagawa ng template, kung seo ka, kunyari naglilink building.. yun pala personal blog.
62. hampasin ang monitor kapag nag-h-hang
63. magbiruan habang may meeting (mas masaya pag green)
64. gawing footrug ang carpet
65. magpaa habang nag-iikot sa office
66. magpicturan sa pantry, ng lobby or anywhere sa loob ng office
67. magpalit-palit ng upuan
68. sumingit sa pila pag ikaw ang mag-l-log in o mag-l-logout
69. tagalan ang pag-login kapag may kasabay ka
70. tagalan ang pag-logout pag may mag-llog-in
71. tagalan ang pag fill up ng DTR para walang makagamit
72. Kung programmer ka, gumawa ng script na magccrash ang buong system at kung SEO ka, pabagsakin ang traffic ng site mo, kung designer ka, sabotage the design.
73. Pagtripan ang electric fan
74. lagyan ng Clorox ang aircon para ma-suffocate mga officemates mo
75. magshare ng mga personal pictures with officemates using usb (hindi network sharing ha, tipong tatayo ka pa, ipapasa ung flash drive…)
76. itapon sa toilet ang mga aroma theraphy
77. turuan ng mga pasaway tips ang mga trainee mo or mga ka-opisina mo
78. wag magpasa ng mga reports on time
79. pag hiningi na sayo ung reports sabihin “na-email ko na ah, hindi mo pa ba natanggap? Sige email ko uli” tapos i-email ng dalawang beses
80. maglagay ng mga hindi ka-aya ayang filenames sa mga attachments ng email mo pag nagssend ng email sa trainer o team leader mo.
81. magdala ng something na mukhang higad o insekto at takutin ang mga officemates mong babae.
82. gawing status message ng messenger mo ang mga wrong spelling, wrong grammar posters na makikita mo sa opisina
83. pag nag-absent ka at hiningan ka ng medical certificate, wag ka magbigay
84. kung may pantry ang office nyo at may tinitindang food, magreklamo ka ng magreklamo tungkol sa luto nila
85. gumamit ng gamit na di nagpapaalam
86. manghiram ng manghiram ng ballpen habang gamit ng may-ari



(courtesy of juan of www.noypi.org)

87. gumawa ng job application letter sa office pc na nag-a-apply sa ibang kumpanya
88. magpaskil sa cubicle ng hotline sa DOLE
89. magpaskil sa desk ng bandila ng CPP/NPA
90. patagong gamitin ang remote para buksan-sara ang CD drive sa PC ng baguhang empleyado; hanggang tumawag siya ng technician para ayusin yung PC
91. maya't maya tumawag sa PC technician for help, dahil 'cute' yung technician
92. sa technician naman, burahin yung network login account ng makulit na tawag ng tawag
93. i-access at ipagkalat sa office yung medyo x-rated emails ng dalawang nagkakaigihan na officemates
94. hiramin yung bagong "Da Vinci Code" na libro ng boss, at ibalik na luray-luray (pasalamat na lang siya at binalik pa)



95. paringgan at takutin ang mga bagong applicanteng nag-iintay sa lobby
96. kung kasama ka sa mga mag-iinterview, sindakin ang applicante
97. mag-init ng gagamba sa microwave ng opisina
98. magpaka-punkista pag alam mong maraming darating na aplikante (mas masaya to kung ikaw ang mag-iinterview!)
99. sulutin ang mga cliyente ng iyong kumpanya
100. gumawa ng listahan ng mga pwedeng gawing kalokohan sa loob ng office
101. ... tapos mag-AWOL ka